Parangal Para Sa Kauna-Unahang Leoncio P. Deriada Literary Prize, Isinagawa

Iginawad ang mga premyo at parangal sa mga nanalo sa kauna-unahang Leoncio P. Deriada Literary Prize nitong nakaraang Biyernes, Agosto 19, 2:00 ng hapon, sa Sentro ng Wikang Filipino.  Ang mga nagwaging manunulat na mga mag-aaral ng UP Visayas ay ang mga masunod:

Tula sa Wikang Rehiyunal  
Unang Gantimpala: “Sa Punta Sadtong Maduagon nga Balangaw kag Iban pa nga mga Binalaybay” Orland A. Solis
Ikalawang Gantimpala: “Kuwadro: Apat ka Binalaybay

sa Baraha”

Jhio Jan A. Navarro
Tula sa Iba pang mga Wika  
Unang Gantimpala: “Mga Tula Bilang Epilogo” Rodmar G. Arduo
Ikalawang Gantimpala: “Poetika: Tatlong Tula sa Tula” Jhio Jan A. Navarro
Maikling Kuwento sa Wikang Rehiyunal  
Unang Gantimpala: “Sab-og” Orland A. Solis
Ikalawang Gantimpala: “Si Patpat kag ang Manok

nga Ilahas”

Jessa S. Payofelin
Maikling Kuwento sa Iba pang Wika  
Unang Gantimpala: “Wings for Flight” Liane Carlo R. Suelan
Ikalawang Gantimpala: “Arson” Domingo M. Aguillon III

Ang patimpalak ay pinasimulan ng Division of Humanities bilang pagpupugay at pagpapatuloy ng alaala para sa premyadong manunulat at Professor Emeritus ng dibisyon, Dr. Leoncio P. Deriada, na naging unang Pangkalahatang Tagapag-ugnay ng UPV Sentro ng Wikang Filipino at tinagurian ng mga kritiko bilang Ama ng Kontemporanyong Panulatan sa Kanlurang Bisayas. Katuwang ng UPV Sentro ng Wikang Filipino sa gawaing ito ang Division of Humanities at Hubon Manunulat. Ang mga nanalo ay nakatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala at premyong naghahalaga ng P5,000.00 para sa unang gantimpala at P2,500.00 para sa ikalawang gantimpala. Ang mga premyo ay kinalap ng Division of Humanities sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga dating estudyante ni Dr. Deriada at ng mga tanyag na manunulat na kumilala sa kanya bilang kanilang tagahubog o mentor sa pagsusulat. (Prof. Eliodora Dimzon, SWF)

shemaegomez

Sheila is a digital marketing enthusiast and obsessed in promoting Iloilo. She is a kdrama fan, a dog person and a certified foodie!

Next Post

Commemorative Book for UPV’s 75th Presence in Iloilo Launched

Mon Aug 29 , 2022
A commemorative book, “Padayon nga Maragtas sang UP Visayas: 75 Years of the UP Presence in Iloilo and Beyond,” was launched in Iloilo City last August 19, 2022. The coffee table book, commissioned by retired Associate Justice Francis Jardeleza, an alumnus of the University of the Philippines Visayas (UPV), traces […]
Commemorative Book